March 1st, 2005
Ningas Kugon
Ano pa ang halaga ng apoy na ating siniklaban kung hindi natin pananatiliing buhay? Isang araw ay nagtipontipon tayong lima. At tila nakita natin ang kinabukasan sa kanya kanyang mata. Mayroon tayong panaginip na nais nating mapatotoo. At nangako tayong sama-sama nating tutuparin ito.
Pero anong saysay ng pangarap natin, kung di natin tatapusin? Anong silbi ng pagbuklodbuklod natin kung sa susunod ay maglalaho rin? Hindi ko ito kayang tapusing magisa. Ang nararapat ay tayong lima.
Madami na akong pinagdaanang pinalipas ko lamang. Ang teatro noong nasa unang baitang ng mataas na paaralan. Nagkamali sa pangalawang baitang. Hindi na nasundan pa.
Ang nobelang nais na matapos bago magdebut? Ano nang nangyari? Nabaon na sa limot at sa katakot-takot na papel para sa eskwelang wala namang damdaming na kaakibat.
Pagod na ako sa mga pangarap na hindi natutupad.
Ngayon, nagkaroon ako ng pagasang mayroon namang magawa upang maipamahagi ang mga nilalaman ng aking pagiisip sa mga tao... nagkaroon ako ng pagasa sapagka't di tulad ng iba'y may mga kasama akong iisa rin ang mithi. At sabay-sabay natin itong aabutin.
Kay lakas ng loob ko noon...nanghihina na ngayon. Ayokong kantahin ang mga damdamin ko ng magisa. Kayong lima, nasaan na?

Posted by mizukineige at 11:33 AM | 3 feathers
Oh well. Learning is a gradual process, everybody starts from scratch, right?