July 6th, 2005
hay gusto ko ng nakakarelate
Gusto ko ng nakakarelate at kahit na hindi, sinusubukan manlang makarelate. Hindi yung nagaamok nalang ng basta basta. feeling naman ganung kadali yun...
hindi siya madali leche. mahirap ang accounting para sakin. naiinis ako pasensyua na bobo ako dun eh...
sinusubukan ko din naman bigyan ng time yung gusto nila eh, yun din naman ang gusto ko, pero kung bumagsak ako, alang babayad ng tuition ko. at yung free day ko ay hindi sabay sa kanila, pasensya na, hi di ko naman sinasadya na matapat yung Lt review sa free day niyo eh...
naiintindihan ko naman eh kahit ako nagaalala...
ewan...
bahala na...
kung gusto niyo ako sipain bahala kayo...
para akong nagrarant sa frat hahaha.
parang ganun na nga.
yung social pressure.
On the other side of things, pinahiram ako ng manga ng ranma ng prof ko. Jap siya pero mejo naiintindihan ko naman kasi kakalong test palang namin sa Hiragana. nalilito pa ako sa katakana kasi mabilisan eh. Ang cute nung manga...
Andito ako ngayon sa Com lab at ayaw maguplod ng inuuplod kong files haaay mga reviewer sa acc 15 para sa mga blockmates ko. ambagal ng connection dito sa napili kong PC eh malas...
Binitiwan ko yung Heights interview ko ngayon dahil sa kasamaang palad, wala na talaga akong oras. Next week nalang sana, buti pinayagan ako. Whew anlakas ng loob ko tumawad ng oras...parang kung sinong member...baka hindi na nila ako ipasa. Excited pa naman ako last last week.
Ubos ang pera ko sa pagkain...breakfast lunch dinner ko ay nasa skul...haaay puro late na kasi uwian ko hanggang thursday...haaay.
buti wala pasok sa friday. pero siyempre ako lang nagiisa sa perya na may break sa friday kaya manigas ako.
lang kwenta haha. magbabasa nalang akong law...sabagay 300 pages na yung kailangan kong habulin. reshuffle na naman ng tatawagin nakakakaba.
pati pala sa comm...haba na ng babasahin...
hmmm....
hmmm....
haaay sana pwedeng pasok uwi tulog nalang ako or something wala nang HW o LT na babasahin outside of school no? Para dirediretcho okey lang. Magtrabaho nalang kaya ako, para walang HW? O kaya PMA (pahinga muna anak). Ay bahala na... wag naman sana. ok naman dami natutunan dito sa kolehiyo eh. Pero siyemore sa pilipinas wala na silang pahalaga sa edukasyon. mas pasaway mas astig.
Kaya ayan tuloy hindi ako makagamit ng capital letters.